top of page
2017_11_07_35446_1510041679._large2.jpg

📰 Latest Update: Navigating Flood Risks Together

​

Stay informed and empowered with our most recent news on flood awareness, community initiatives, and resilience strategies. Discover the latest insights that matter and join us as we navigate the ever-changing landscape of flood preparedness. Together, we're turning awareness into action!

Higit 2,000 pamilya apektado ng malalim na baha sa Davao City

Higit 2,000 pamilya ang naapektuhan sa malalim na baha sa Davao City nitong Huwebes bunsod ng malakas na ulan dala ng low pressure area.

Sakay ng bangka, sinuyod ni barangay chairman Lito Lapitan ang binahang Jade Valley Subdivision sa Barangay Tigatto. Makikita sa kaniyang video ang mga bahay at sasakyan na lubog sa baha. 

​

Ilang lugar doon ang abot-leeg ang lalim ng baha dahil sa pag-apaw ng Davao river.

Nitong Marso 8 lang huling nakaranas ng pagbaha ang subdivision.
Isa lamang ito sa mga binahang lugar noong Huwebes kabilang na ang mga barangay 5-A, Maa, 19-B, Tigatto, Buhangin, Waan, Matina Crossing, 8-A, 10-A, 9-A, at 76-A.

Ayon sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, wala namang naitalang casualty dahil sa baha.

Sa rekord ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), 2,064 pamilya o 6,931 indibidwal ang apektado ng baha.

Binigyan naman ng pagkain ang mga binahang residente na nasa evacuation center, habang patuloy ang assessment ng CSWDO sa epekto ng baha.

– Ulat ni Hernel Tocmo

26flood4web.jpg
26flood4web.jpg

Davao City PNP, nagsagawa ng search and rescue sa ilang lugar sa lungsod bunsod ng pagbaha dala ng malakas na buhos na ulan

Nagsagawa ng Search and Rescue Operations ang ilang istasyon ng Davao City Police Office (DCPO) sa lugar na binaha sa lungsod bunsod na malakas na buhos ng ulan na nagsimula bandang alas 10 ng gabi ng Miyerkules, Nobyembre 8, 2023.

Sa report ng DCPO, isinagawa ng Baliok Police Station at Talomo Police Station ang pagpapalikas sa mga pamilya ng apektado ng baha sa kani-kanilang areas of responsibility.

Aabot sa 24 na pamilya ang nailikas sa nasabing Search and Rescue Operation kasama ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Responders kung saan 21 ang mula sa Baliok Police Station at tatlo sa Talomo Police Station.

Ilan sa mga barangay na binaha ay ang Barangay Baliok, Bago Gallera, Bago Aplaya, Catalunan Pequeño at Talomo Proper.

Wala namang natalang patay o sugatan sa nasabing pagbaha sa lungsod. | Armando Fenequito | RP1 Davao

📸 DCPO-PIO

afp-resuers-rubber-boat-marikina_2020-11-12_15-57-54.jpg
e522165bfb9f8fec6a35c0517d8346b4.jpg
e522165bfb9f8fec6a35c0517d8346b4.jpg

Ilang mga barangay sa Davao City, lubog sa tubig-baha

Nagmistulang malawak na ilog ang pangunahing lansangan sa mga barangay ng third district sa Davao City kasunod sa naranasang pagbuhos ng napakalakas na ulan na tumagal ng ilang oras.

Bandang alas-dyes kagabi nagsimula ang ulan na sinabayan ng malakas na hangin, kulog at kidlat hanggang alas dos ng madaling araw kanina kaya umapaw ang mga drainage na nagresulta sa malawakang pagbaha at pagka-stranded ng mga motorista.

 

Umabot sa dibdib ang lebel ng tubig gaya ng Purok 40 at 41 ng Crossing Ulas, sa likod lamang ng ating himpilan kaya naman dinagsa ng mga residente ang stasyon kanina para humingi ng saklolo na agad namang nabigyan ng initial na tulong gaya ng mga maiinum at makakain.

Nagtulong-tulong naman ang mga Rescue personnel mula sa Central 911, ibat-ibang police at fire stations at mga BDRRMC maging mga volunteer groups para sagipin ang mga pamilyang nastranded sa kanilang mga bahay kung saan ilan sa kanila ay nasa bubong na naghintay ng rescue.

Kabilang sa mga lugar na sinalanta ng baha ang Talomo, Brgy. Baliok, Bago Gallera, Bago Aplaya, Dumoy, Matina Aplaya, at Sto Nino kung saan karamihan sa mga residente ay walang naisalbang mga gamit.

Sa kabila nito wala namang naitalang casualty at nasugatan maliban na lamang sa dosenang mga sasakyan na inanod ng baha sa Brgy Baliok.

​

Nakatakda namang magbigay ng inisyal na tulong ang pamahalaang local ng Davao sa pamamagitan ng mobile kitchen at kusina ng bayan para sa agahan ng mga residente habang sisimulan na rin ng CSWDO ang assessment sa mga apektadong pamilya.

Samantala sinuspendi na rin ng City LGU ang klase sa lahat ng private at public schools mula sa. Bago Gallera, Bago Aplaya, Talomo Proper, Matina Aplaya, Brgy. Maa, Brgy. Baliok sa Talomo District at Brgy. Sto. Nino sa Tugbok District.

​

Beyond the Tides: Philippines

  • alt.text.label.Facebook

©2023 by Beyond the Tides: Philippines. Proudly created with Wix.com

bottom of page